Dapang estado ng Pang-Kolehiyong Edukasyon
Kamakailan lamang ay 222 kolehiyo ang pinayagan ng ChEd na magkaroon ng tuition Fee hikes para sa susunod na pasukan. Noong nakaraang taon ay 339 na HEI’s (Higher Education Institutions) din ang nagtaas ng kanilang matrikula. Sa average ay 79.90php/unit na ang binabayaran ng mga estudyante sa National Capital Region labas pa ang lumulobong miscellaneous fees na madalas ay higit pa ang presyo kaysa Tuition fee.
Sa kaso ng Technological Institute of the Philippines(TIP), 560php ang singil para sa kuryente at tubig, 1,737.80php para sa computer Fee, internet fee ay 68.85php, 2,768.70 para sa laboratory fee, audio visual fee na 87.70php, athletic fee ay 505.90, sa development fee o maintenance ay 713.10php, ang 31php ay para sa cultural fee, at 996.30 para sa Library fee, atbp., habang umakyat na sa 739php/unit ang kanilang tuition fee. Sa suma ay parang metro ng gasolina ang pagtaas ng higit sa 6,000php sa tuition fee at miscellaneous fees mula ng nakaraang taon.
Sa Ang siste ay wala nang gastusin pa para sa maintenance at lahat ang may-ari ng eskwelahan dahil ipinasa na lahat sa mga mag-aaral. Higit sa lahat saan ka nakakita ng mga iskolar “kuno” pero kapwa estudyante ang bumabata ng bayarin?
Naging polisiya mismo ng pamahalaan tulad ng HEMA (Higher Education Modrnization Act) ang pagtiyak ng komersyalisasyon ng edukasyon kung kaya iilang bilang lamang ang nagkakaroon ng kakayahan na makapag-aral bagamat ito ay batayang karapatan na ginarantyahan ng ating konstitusyon(Art XIV).
Ipinapanawagan din ang mga flagship Universities o mga Unibersidad na susuportahan at tanging kikilalanin sa kani-kanilang larangan na kurso. Halimbawa, kung ang Philippine Normal University ay ang Pambansang Unibersidad para sa mga magiging guro, ang PNU na lamang ang magiging Teacher-institution sa Pilipinas na pupondohan at susuportahan ng Gobyerno.
Zero o walang budget para sa capital outlay sa Higher Education budget, pinababa din ng mahigit 90Milyon ang Higher Education Development Fund na siyang pondo para sa mga scholarships, grants, financial assistance para sa mga propesor at pagtatayo ng mga gusali sa mga state-run Colleges and Universities. Dahil walang pondo, at patuloy ang mga budget cuts, nalilipat ang atensyon ng mga SUC’s administration mula sa akademya papuntang komersiyo. PAANO MAPUPUNAN ANG KAUNTING BUDGET? Malamang ay sa paraan ng pagbibenta ng properties ng eskwelahan o pagpapagamit ng pasilidad para sa komersyal na layunin.
Sa Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST), nasanay na ang mga estudyante at propesor na magmeeting o kaya ay magklase sa gitna ng dilim o liwanag ng kandila dahil sa brownout gawa ng pagtitipid ng administrasyon ng kuryente.
Patuloy ang pagpapaubaya ng University of the Philippines sa maraming properties nito tulad ng ngayong Techno Hub na may 30 Hektaryang lupain na ngayo’y pag-aari ng Ayala Company at nasa tunguhin bilang isang Business Process Outsource o BPO City.
Sa ilalim din ng bordersless economy ng globalisasyon, nakaamba na ang mas lalong pagdagsa ng mga International Education Institutions sa bansa. Sang-ayon dito, kung ang isang International Institution ay may kursong Computer Science, ay hindi na pupwede pang mag-offer ng kapareho na kurso ang mga malapit na pampublikong kolehiyo. Hindi na din iaapruba ang pagdadagdag pa ng panibagong mga Kolehiyo at Unibersidad ng Gobyerno.
Mababang Paaralan mas Pinababa ng Pagpapabaya
Sa ngayon, 14.3 Milyon mag-aaral ang nag-aaral sa Elmentarya at mahigit 4.7 Milyong bata pa na ang edad ay akma sa elementarya ang hindi nakakapag-aral.
Sa datos ng DepEd(Department of Education), 14.25 Milyon ang nag-aaral sa elementarya, mula dito ay 5.85Milyon na lamang ang makakapagtuloy sa sekondarya o sa bawat 100 na batang Pilipinong makakapasok sa grade 1, ay 60 lamang ang makakatapos sa elementarya, ang 40 dito ang magtutuloy sa highschool at 21 lamang ang makakatuntong sa kolehiyo. Sa bilang na ito ay 14 lamang ang makakapagtapos ng kanyang kurso at mula dito ay 2% lamang ang makakapasa sa mga licensure examinations(Pefianco figure, DepEd).
Sa laki ng bilang ng hindi nakakapagpatuloy sa pag-aaral, pinakamalaki ang drop-out rates ng Grade 3 level; at ang marami sa kanila ay nauuwi sa child-labor na sa suma ay 12milyon na sa ngayon.
Malaki ang usapin sa kakulangan ng kalidad ng edukasyon dahilan sa kaliitan ng budget na inilalaan para dito. Sa katunayan, P6 lamang sa bawat estudyante bawat araw ang nakalaan para sa pag-aaral habang katumbas P21 araw-araw ang ginagastos ng gobyerno pambayad ng utang na ngayon ay may kabuuang 6.3 trilyong piso.
K+12 Dagdag na Taon: Pasanin at Pabigat
Ang kundisyon sa basic Education ay hindi nalalayo sa Higher Education. Katunayan ay mas malubha pa nga. Sa National Achievement Test (NAT) result para sa grade 6 noong 2010 ay 69.21% lamang ang nakapasa, habang 46.38% lamang ang pumasa sa hayskul. Sa Internasyunal na pagsusulit noong 2003 ng Trends in International Mathematics and Science Study(TIMSS), ang Pilipinas ay nag-rank ng 34th mula sa 38 na bansa sa HS Math II habang 43rd sa 46 na bansa sa HS Science II. Sa grade 4, pang 23rd mula sa 25 bansa ang Pilipinas sa asignatura pa rin ng Math at Science. Kahit pa nga mga Science schools lang ng Pilipinas ang pasalihin dito, sa resulta noong 2008 aypinakahuli pa rin ang ating bansa. Ang mga ito ang basehan ng pagpapatupad ng dagdag na 2 taon sa basic education at obligatory implementation ng Universal Kindergarten o K+12.
Itinuturo ng Department of Education (DepEd) ang kakapusan ng 10 taon batayang edukasyon bilang dahilan ng kakulangan ng kalidad sa edukasyon. Sa Asya, tanging ang Pilipinas at Myanmar na lamang ang may 10 taon na basic education. Ang solusyon anila ay sumabay sa iba pang mga bansa.
Ngayong darating na pasukan ay pasisimulan na ang implementasyon ng K12 sa basic education sa sekundarya. Dagdag na 2 taon ang ipapasok sa hayskul. Naging rekisito na sa pagtuntong sa grade 1 ang pagpasok ng mga bata sa Kindergarten na pinasimulan na noon pang 2011. Mananatili ang anim na taon sa Elementarya samanatalang mahahati sa dalawa ang hayskul- apat na taon sa Junior High School at dalawang Taon sa Senior High School.
Magbabago mula sa dating ayos ang Curriculum na gagamitin. Paghihiwa-hiwalayin at papalawakin ang mga asignaturang kabilang sa MAKABAYAN, at pagtutuunan ang asignaturang Science at Math.
Ang Senior High School ay may katangiang kapareho ng bokasyunal na kurso sapagkat pagtutuunan sa pag-aaral ng mga estudyante ang mga skilled courses katulad ng pagkakarpintero, welding, robotics, pagbi-bake, electronics, computer, atbp. Matapos ang Senior High ay malayang makapamili umano ang mga bata kung itutuloy ang pag-aaral sa kolehiyo o magtatrabaho na sapagkat equipped na sila ng mga skills sa pagtatrabaho.
Subalit kulang na kulang ang budyet na 192.09 Bilyon para sa taong pampanuruan 2012-2013 upang masolusyunan ang higit 150, 000 kakulangan sa silid-aralan, 99, 628 guro at higit sa 500, 000 sa libro, sa pagsisimula ng programa ng K+12.
Para matugunan ito, ipinapakita ng tunguhin ni P.NOY na Public Private Partnership(PPP) ang malaking papel ng pribadong sektor at negosyante sa implementasyon ng k+12. Kung ganun, lalo itong magdidiin sa pribatisasyon at komersyalisasyon sa bansa.
“Batang K+12, handa sa trabaho o kolehiyo handa sa mundo” – bakit ang K+12 ay ipinatutupad sa panahong nasa krisis pampinansya ang mundo? Kung ganun ay malinaw na layon nito ang magsupply ng lakas paggawa na mga skilled workers upang magtrabaho sa ibang mga bayan sa mura, pleksible at maamong oryentasyon ng paggawa.
Sa huli pala ay talo pa din ang mga estudyante at mga magulang sa programang ito ng Department of Education. Ang edukasyon para magluwal ng mahuhusay na Pilipinong magsisilbi sa sariling bayan ay hindi nilalayon ng K12.
Hamon Kay P.NOY: Sa tuwid na daan prayoridad ang Kabataan
Higit nang dalawang taon ang administrasyong Aquino sa posisyon. Dalawang taon ng walang malinaw at seryosong programa sa edukasyon.
Ayon sa Freedom from Debt Coalition (FDC), simula 1987 hanggang 2010 ay nasa 32% na ang deficit sa sistemang pang edukasyon. Kaya kahit pa nga ang edukasyon ang may pinamalaking budyet sa ngayon, sa proporsyon ng dami ng mga mag-aaral ay kulang na kulang pa din ito.
Ang Pilipinas din ay isa sa may pinamamaliit na per capita budget para sa edukasyon na $138 kumpara sa $852 ng Thailand at $1,582 ng Singapore. Hanggang ngayon ay 3.2% lamang ng ating Gross National Product ang inilalaan ng pamahalaan sa budget ng edukasyon kahit pa ang standard ng UNESCO(United Nations Educational and Scientific Organization) na dapat 6% ng kabuuang GNP ay dapat awtomatikong ilaan sa edukasyon. Ang Pilipinas ay hindi sumusunod dito!
Sa tuwid na daan dapat ay libre, siyentipiko, makabayan at para sa lahat ang edukasyong pinapa-iral. Kung ito ay nagagawa ng mga bansang Latino tulad ng Cuba at Venezuela bakit hindi dito sa Pilipinas?
Ang tuwid na daan ay hindi nagpipiit sa kamangmangan at kawalang pag-asa ang mga mamamayan partikular ang kabataan kung kaya malaking hamon kay P.NOY na ibalik sa taongbayan ang kakanyahan na makapag-aral, hindi prebilehiyo ng iilan sa paraang pera-pera na lamang.
Sa huli, sa tuwid na daan, ang bawat pagbabago ay itinutulak ng mamamayan hindi inaangkin ng isang tila sugo(messianic complex), na nagsasabing sya ang daan para sa pagbabago at katuwiran. Sapagkat tanging ang taongbayan lamang ang tagapaghubog ng kanyang kasaysayan.
Sa tanang ito, laging parte at malaki ang papel ng kabataan – kung kaya ibigay sa kabataan ang dapat ay kanyang tinatamasa. Sa ganitong paraan makatitiyak tayo ng isang produktibo, maunlad at masikhay na bukas. ###
Isulong ang MAKAMASA, SIYENTIPIKO, AT MAKABAYANG Edukasyon!
Tutulan ang pagtaas ng MATRIKULA at iba pang Miscellaneous Fees!
Ilaan ang 6% ng Gross National Product sa budget ng Edukasyon!
Ipaglaban ang Kinabukasan! Palayain ang Bayan sa Dayuhang Dominasyon!
Edukasyon ay Serbisyo, Hindi negosyo!