Ngayong Lunes, ay muli na namang magsisimula ang panibagong taon sa paaralan ng mga mag-aaral sa pampublikong elementarya at hayskul. Sa mga susunod na linggo pa ay simula na rin ng pasukan sa mga pribadong paaralan at mga kolehiyo’t unibersidad. Para sa mga magsisipasok sa paaralan ngayong Lunes, ito ay bahagi lamang ng buhay estudyante.
Subalit bahagi na rin ng kalakaran taun-taon ang mga suliranin na kinakaharap ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Mababang pasahod sa kaguruan, kulang-kulang na mga silid-aralan at mga pasilidad sa pagtuturo at pagkatuto, mabababang puntos sa National Achievment Test at taunang pagtataas ng mga matrikula’t iba pang bayarin sa antas tersarya. Ang mga problemang ito ay tila ba naging bahagi na rin ng buhay kapag pasukan.
K+12: Solusyon o Nagbabadyang Suliranin?
Ang taong pampaaralan 2012-2013 ay ang simula ng implementasyon ng ilang piling paaralan sa Pilipinas ng bagong kurikulum para sa Basic Education, ang K+12. Ayon sa rehimeng Aquino, ang kurikulum na ito, na dinesenyo upang maging labindalawa (12) ang kabuuang taon mula kindergarten hanggang hayskul ang siyang magiging kasagutan sa malala nang sitwasyon ng edukasyon sa Pilipinas. Ayon pa sa mga tagapagsalita ng rehimen, partikular mula sa DepEday magiging mas competitive at well-equipped sa kaalaman ang mga magtatapos sa mataas na paaralan at magtitiyak na magkakaroon ang bawat gradweyt ng sapat na hanapbuhay.
Magandang pakinggan, magandang layunin. Marapat na purihin rin naman ang pagkilala ng pamahalaan na may matinding suliranin sa ating sistema ng edukasyon. Subalit maganda man ang layon, ay suliranin pa rin ang malamang na kalalabasan. Ito ay hindi walang batayang konklusyon, kundi ayon na mismo sa aktwal na sitwasyon.
MABABANG BADYET AT TULUY-TULOY NA PAGKALTAS RITO – Dahil ang K+12 ay mayroong dagdag na dalawang taon sa hayskul na tatawagingSenior High School, ibig sabihin ay kailangan ng mas mataas na alokasyon sa badyet upang matugunan ang mga kinakailangang pasilidad at mga kagamitan sa pagtuturo. Subalit sa taun-taon na lamang na pagbabawas ng badyet para sa sektor ng edukasyon para sa pambayad sa utang panlabas, ang ipinapangakong pagpapahusay sa sistema ng edukasyon ay mapapako.
Sa 2012 National Budget ay PHP 735.6 Bilyon ang nakalaan sa pambayad utang panlabas habang ang kabuuang alokasyon para sa sektor ng edukasyon ay nasa PHP 192.09 Bilyon lang, kulang na kulang para sa mga silid-aralan, kagamitan sa pagtuturo at pagkatuto, mga libro, pasahod sa kaguruan, atbp. Ayon sa mga kasalukuyang datos ay mahigit 150,000 ang kakulangan sa silid-aralan, 99,628 na guro ang kailangan at 500,000 libro ang kailangan para mabigyan ang bawat mag-aaral.
Inamin na mismo ng DepEd na hindi pa natutugunan ang mga kakulangang ito, isang palatandaan ng mas malaking mga problema sa hinaharap.
PHP 6.00 lamang sa bawat estudyante bawat araw ang nakalaan para sa pag-aaral habang katumbas P21 araw-araw ang ginagastos ng gobyerno pambayad ng utang na ngayon ay may kabuuang 6.3 trilyong piso.
Hanggang ngayon ay 3.2% lamang ng ating Gross National Product ang inilalaan ng pamahalaan sa budget ng edukasyon kahit pa ang standard ng UNESCO(United Nations Educational and Scientific Organization) na dapat 6% ng kabuuang GNP ay dapat awtomatikong ilaan sa edukasyon. Ang Pilipinas ay hindi sumusunod dito!
MANIPESTASYON NG LABOR EXPORT POLICY – Isang di-hayag na layunin ng bagong K+12 Curriculum ay ang pagtitipon ng reserbang lakas paggawa upang mga maging semi-skilled workers at laborers sa labas ng bansa o dito man sa Pilipinas. Ang Senior High School na dalawang taon ay nakapokus sa mga ispesyalisasyong teknikal at bokasyonal, tulad ng welding, engine mechanic, electronics technician, electrical technician, dressmaking, atbp., mga kinakailangang kakayahan para maging mga OFW. Sa panahong ito ng pandaigdigang krisis ng kapitalismo, upang manatiling nakalutang ang “ekonomiya” ng Pilipinas at di ito mabulid sa krisis na dinaranas ngayon sa mga bansa sa Europa at ang US, kailangan ng mas maraming lakas paggawa para sa mga industriyang dayuhan upang tuluy-tuloy ang daloy ng remittances na siyang pangunahing pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan para sa pagmamantine ng “ekonomiya” ng bansa. Tunay ngang ang OFW ay marapat na tawaging bayani.
Dahil sa ang Pilipinas ay walang industriyang manupaktura, ang kakayahan na lamang nito ay maging taga-suplay ng murang lakas-paggawa, na ang manipestasyon ay ang mga OFWs.
Layon raw ng K+12, ayon sa diskusyong papel nito, ang magkaroon ng sapat at disenteng hanapbuhay ang bawat gradweyt at magiging opsyonal na ang pagpasok sa kolehiyo. Oo nga naman, dadami ang magkaka-hanapbuhay subalit dadami rin ang potensyal na biktima ng mga pagmamaltrato ng mga amo at manedyer na dayuhan. Dito na lamang sa ating bansa, ay may mga minamalatrato mismo ng kanilang mga tagapamahalang dayuhan. At ang pinakamalalang kaso nito ay ang kaso ng Hanjin Heavy industries sa kanilang shipyard sa Subic, Zambales kung saan ang mahigit 21,000 manggagawa, na mga skilled at semi-skilled laborers ay namamatay dahil sa kakulangan sa mga safety equipment, pinapakain ng di-malinis at inuuod na pagkain at sinasaktan ng mga Koreanong manedyer.
Ito ang K+12, tila isang regalong nakabalot sa magandang kulay at anyo, subalit sa loob ay may nakaambang surpresa.
Pagtaas ng matrikula’t iba pang bayarin, at higit pang komersyalisasyon dahil sa mababang badyet
Sa antas tersarya ay patuloy rin ang mga suliranin. Sa taong ito ay mahigit 222 na mga pribadong kolehiyo at unibersidad ang pinayagan ng CHED (Commission on Higher Education) na magtaas ng kanilang mga matrikula at iba pang bayarin, sa ilang sitwasyon ay mas malaki pa ang kabuuang halaga ng mga miscellaneous fees o iba pang bayarin kaysa sa mismong matrikula.
Sa Technological Institute of the Philippines (TIP), PHP 560.00 ang singil para sa kuryente at tubig, PHP 1,737.80 para sa computer Fee, internet fee ay PHP 68.85, PHP 2,768.70 para sa laboratory fee, audio visual fee na PHP 87.70, athletic fee ay PHP 505.90, sa development fee o maintenance ay PHP 713.10, ang PHP 31.00 ay para sa cultural fee, at PHP 996.30 para sa Library fee, atbp., habang umakyat na sa PHP 739/unit ang kanilang tuition fee. Sa kabuuan ay parang metro ng gasolina ang pagtaas ng higit sa PHP 6,000 sa tuition fee at miscellaneous fees mula ng nakaraang taon.
Kahit sa mga pampublikong kolehiyo at unibersidad ay di ligtas sa mga problema. Sa 2012 National Budget ay mahigit PHP 500 ang kinaltas mula sa alokasyon para sa mga institusyong tersarya na pinatatakbo ng pamahalaan. Pinakamalaking kaltas ay ang sa University of the Philippines (UP) na mula PHP 5.75 Bilyon ay PHP 5.54 Bilyon na lamang ang kanilang nakalaang badyet na 32 porsyento lamang ng kanilang panukalang badyet na PHP 17.07 Bilyon. PHP 12.835 Milyon naman ang kinaltas mula sa badyet ng Philippine Normal University (PNU), ang pinakamalaking institusyong tagapagsanay ng guro sa bansa.
Wala ring matatanggap na Capital Outlay, o badyet para sa pagpapatayo ng mga gusali at pagmamantine ng mga pasilidad ang mga State Universities and Colleges (SUCs), at binawasan rin ng mahigit PHP 90 Milyon ang badyet para sa Higher Education Development Fund para sa pagsasanay at pagpapahusay ng mga fakulti at mga scholarship grants at financial assistance.
Dahil walang pondo, at patuloy ang mga budget cuts, nalilipat ang atensyon ng mga SUC’s administration mula sa akademya papuntang komersiyo. Ayon na rin mismo sa CHED, ay ipinauubaya na nila sa mga administrasyon ng mga SUCs ang diskarte sa pagkalap ng pondo para sa kanilang operasyon, ibig sabihin, malaya ang mga SUCs na magtaas ng kanilang mga matrikula at bayarin. At dahil sa mas pagkalap ng pondo ang aatupagin ng mga SUCs ay malaki ang epekto nito sa kakayahang akademiko ng institusyon, isang bagay na inamin ng isang opisyal ng CHED kung bakit mababa sa world rankings ang University of the Philippines na siyang pambansang unibersidad.
Manipestasyon nito ang patuloy na pagbebenta sa mga lupain ng UP sa mga pribadong kumpanya tulad ng Ayala, ang debeloper ng Ayala TechnoHub sa Diliman na kinatitirikan ng ilang kumpanyang BPO (Business Process Outsourcing).
Dalawang taon ni P’Noy: Dalawang taon ng kawalang-malasakit sa kapakanan ng kabataan
Sa kabila ng mga pangakong binitiwan, at mga solusyong pinanukala ay sa kabuuan ay wala pa ring kongkreto at malinaw na programa para sa pagpapahusay ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas, maliban sa pagdaragdag ng dalawa pang taon sa antas sekundarya.
Dalawang pasukan na ang itinatagal ni Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino sa luklukan ng kapangyarihan, subalit pinatunayan lang niya na wala siyang pinag-iba sa mga nagdaang rehimen.
Hangga’t walang mas malalim na pagkilala si P’Noy sa krisis sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas, mananatili ang naaagnas nitong kalagayan at kahit anupanmang panukala ay mananatiling panakip butas, o pantapal lang.
Ngayong unang araw ng pasukan, tuluy-tuloy nating kalampagin si P’Noy at ang kanyang rehimen na huwag magtamad-tamaran, magmaang-maangan at magbubulag-bulagan. Kung talagang tuwid na landas ang kanyang nilalayon para sa Pilipinas, mas mahusay kung sisimulan niya ang paglalatag nito para sa kapakanan ng kabataang Pilipino, na siyang magmamana ng kasalukuyang henerasyon.
KABATAAN at SAMBAYANAN, MAGKAISA!
EDUKASYON AY SERBISYO, HINDI NEGOSYO!
BUDGET CUT TUTULAN, 6% ng GNP SA EDUKASYON, ILAAN!
TUTULAN ANG PAGTAAS NG MATRIKULA AT IBA PANG BAYARIN!
ISULONG ANG MAKA-MASA, SIYENTIPIKO at MAKABAYANG EDUKASYON!
IPAGLABAN ANG KINABUKASAN! MAKIBAKA LABAN SA DAYUHANG DOMINASYON!
PAMBANSANG INDUSTRIYALISASYON, ITAGUYOD!