Karaniwang simula ng araw para sa akin ang maligo, magsipilyo at mabilis na humigop ng mainit na kape, at kung meron man, e kasama na ang ilang pirasong pandesal. Tapos nun larga na. Dala ang sarili pati na ang bag na naglalaman ng mga polyeto, modules, props at iba pang mahalagang dokumento.
Sa uri ng buhay na tinatahak ko, mabilis dumaan ang mga pangyayari at kayraming nagaganap. Maya-maya may bagong gawain, mga pulong, mga area work at mga kaugnayang tao, sa paaralan man o sa mga komunidad. Sa isang araw, marami-raming kausap. Minsan may mga ilan pang manlilibak. Di ko sila masisi, di sila mulat sa maraming katotohanan sa lipunan. Isang hamon na sa akin ang maimulat sila. Minsan maiisip ko pa kung ano ang naging pagkukulang ko at ganun sila.
Dahil nga sa limitadong badyet, karaniwan hindi na ako nakakakain ng tanghalian. Sapat na ang biskwit at sopdrink, panlaman tiyan na. Matapos ang ilang minutong pahinga, balik ulit sa area. Kukumustahin ang mga puwersa, kokonsolidahin sila, masaya ka kapag nasinop mo na at ipinormalisa ang kanilang balangay. Mula run, mas maraming nakaabang pang gawain, titiyakin mo pa ang komitment ng bawat isa. Titiyaking may sapat silang kamulatan sa kanilang inaniban. At kung may isa mang maging solido, tiyak yun na hindi ka na mag-iisa sa susunod na mga lakad.
May pulong pang dadaluhan. Sisikapin na makinig sa mga kaisahan. Titiyakin na may maitataya ka sa mga puwersa mo sa araw ng pagkilos. Sisiguraduhing maiintindihan ng mga puwersang masa, ano ang isyu kung bakit kikilos, at kung ano ang kaugnayan nito sa kanilang buhay sa lipunan.
Matapos sa isang area, lipat ulit sa isa pa. Malalaman mong may kinakaharap na problema at kailangan mong tutukan ito. Kumbaga sa makina, o kaya’y kompyuter, troubleshooting ang dapat na gawin. Masinsinang alamin ang sanhi, mula run e aayusin mo at titiyaking di na ito mauulit. Obhektibong tignan ang mga bawat aspeto ng mga kinaharap na suliranin. Mahirap minsan, sapagkat may pagkakataong madadala ka ng emosyon. Pero bandang huli, kailangang mas mangibabaw ang pagiging obhektibo.
Karaniwan, may pagkakataong pasaway ang ilang indibidwal sa mga puwersa. Kailangan mo itong pakitunguhan. Asahan na hindi magkakahalintulad ang mga tao sa kanilang gawi at pananaw sa buhay at lipunan. Naiinis ka na minsan, pero kailangang relaks lang.
Ganyan ang isang araw para sa isang tulad ko. Di matatapos ang araw na hindi produktibo. Kahit pa nasa HQ na at dapat na nagpapahinga na, tuloy pa rin ang mga gawain. Sulat ng statement, praymer, reports, at iba pa. Kasabay na ng hapunan.
Uuwi ka rin sa pamilya mo minsan. Pero asahan ang sermon at walang katapusang pangaral ukol sa "anong napapala mo dyan", lalo na kapag di mulat ang magulang at mga kapatid. May iilan na mapalad sapagkat ang kanilang magulang ay tinahak rin ang siyang tinatahak ng mga anak ngayon. Pero karaniwan, asahan mong may pabaon sa iyo pag-alis mo. Hindi pagkain, kundi sermon o kaya’y panlilibak. Mapapaisip ka minsan, may napala nga ba ako sa ginagawa ko ngayon? Pero sa huli, mas mananaig sa akin ang kapakanan ng nakararami kaysa sa sarili kong ambisyon. Sermunan nila ako, isang ngiti na lamang ang isinasagot ko.
Tulad ng isang normal na indibidwal, bago namin pinasya na tahakin ang landas na to, may mga ambisyon rin kami. Iba iba ang mga kursong kinuha, mga propesyong inaral, pero ito, narito kami at araw-araw na pagod, minsan gutom. Pero iba pa rin ang kasiyahang dulot nito, na hindi mo makukuha sa pamamagitan lang ng mga materyal na bagay. Higit pa sa mga propesyon at akit ng mataas na sweldo.
Tulad rin namin ang mga manedyer, supervisor at empleyado. May mga responsibilidad na dapat gawin at tupdin. Pero ang kaibahan lang, labas ito sa burges at pyudal na konsepto.
Nakalubog kami sa masa. Mapagkumbaba, walang ere. Ipinapakita namin na di kami iba sa kanila. Walang boss, walang superyor. Egalitarian, o sa madaling salita, pantay-pantay.
Sapagkat ang aming ambisyon ay di lang para sa aming mga sarili. Ito ay pangarap namin para sa bawat isang nabubuhay, isang pangarap na lipunang walang pananamantala.
At hanggang umiiral ang lipunang may pananamantala, patuloy kaming kikilos, patuloy kaming mapapagod, patuloy kaming mangangarap para sa lahat.
Ganyan kami. Ganyan ang buhay namin. Ganyan ang aktibista.*