Photo credits: http://april.stepitup2007.org
Isa ang buwan ng Marso sa mga pinaka-inaabangan ng mga estudyante. Pagtatapos ito ng school year at pagsisimula ng bakasyon. Buwan din ito ng pag-martsa para makuha ang diploma ng mga magtatapos.
Tinatayang isang milyong mag-aaral ang magtatapos sa kolehiyo ngayong taon, ayon sa Commission on Higher Education (CHED). Madadagdag sila sa pwersang paggawa ng bansa na ngayon ay 62.84M mula sa kabuuang 92.34M populasyon ng bansa.
Ang malaking hukbo ng unemployed at under-employed
Ipagmamalaki ng PNoy administration na tumaas ng 6.6% ang GDP (Gross Domestic Product) ng Pilipinas. Pinakamalaki sa buong ASEAN (Association of South East Asian Nations). Pinakinabangan ng pinaka-malalaking korporasyon at iilang elitistang pamilya ang kalakhan ng pagsulong na ito at kakatiting ang nakarating na pakinabang sa mamamayan.
Kaya tinatawag ito na “ jobless growth”. Nananatiling malaki ang 4.4M walang empleyo at 7.5M underemployed (2012).
Hindi malutas-lutas ang problema sa disempleyo. Kahit pa sinabi ni PNoy nuong huling SONA na mababa na ang unemployment rate na 6.9% nuong Abril 2012, hindi maikukubling masama ang katayuan ng empleyo sa Pilipinas. Madaya ang paraan ng pag-uulat sa katayuan ng empleyo. Isinasama sa employed kahit yaong nakasingit lamang ng isang (1) oras na trabaho sa loob ng dalawang linggo sa panahong ginagawa ang sarbey.
Sa isang pag-aaral ng World Bank, kailangang lumikha ang Pilipinas ng 3.5M jobs bawat taon. Sinabi ni Motoo Konishi, World Bank country director na mula ngayong taon hanggang 2016, kailangan ng empleyo para sa 14.6M. Imposible ito sa target ng gubyernong PNoy na 1M jobs taun-taon.
“Job mismatch”: Paano ito pinakitunguhan ng gubyerno?
“Job mismatch” ang itinuturong dahilan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa hindi pagka-empleyo ng bagong graduates.
Kailangang umanong solusyunan ang papalaking agwat ng akademya sa industriya sa pamamagitan ngcorporatization, partnership with business sectors at pagdi-develop ng mga kurikulum sa mga unibersidad kasama ang mga pribadong negosyante. Sang-ayon ito sa framework ng Private-Public Partnership ng kasalukuyang administrasyon.
Napapagtibay ito ng mga probisyon at batas tulad ng R.A 7224 o “Higher Education Act of 1994” na nagbigay sa CHED ng tungkuiling bumuo ng mga patakaran, pananaliksik, development plans at iba pa para iayon sa hinihingi ng negosyo ang disenyo ng pagpapatakbo nito sa Higher Education System ng bansa. Kasabay ng pagpayag sa mga state-run universities na maglunsad ng joint-venture agreements sabusiness sector para makapag-generate ng income para sa mga unibersidad.
Kakulangan sa budget ng state universities and colleges (SUC’s) ang nag-udyok sa mga unibersidad na higit pang palakasin ang impluwensya ng business sector sa maraming transaksyon, programa at disenyo ng antas kolehiyo sa bansa.
Halimbawa dito ang Memorandum of Cooperation ng CHED sa Management Association of the Philippines(MAP) na nagbigay-laya sa pribadong sektor na impluwensyahan ang tutok ng mga unibersidad sa mga kursong hinihingi ng pandaigdigang merkado.
Nagli-link ito sa kanila at sa unibersidad para sa apprenticeship o pre-employment trainings ng mga estudyante sa aktwal na trabaho sa mga pabrika at empresa na sa esensya ay mekanismo sa pagtitipid ng kapitalista na kumikita pa sa mga binabayad ng mga estudyante sa trainings kahit pa aktwal na silang nagtatrabaho. Kasabay nito ang pagdivelop ng kurikulum ayon sa hinihinging demand ng lokal at dayuhang merkado.
Para pa rin maibsan umano ang problema sa “job mismatch”, inilunsad ng DOLE ang pagtutulungan ng mga pribado at pampublikong unibersidad at kolehiyo sa “Project Jobs Fit” o ang paggabay sa mga mga kursong dapat pinapalakas at hinihikayat para tiyak na may trabaho mapapasukan pagka-graduate.
Sa taong ito dapat daw tutukan ang mga kurso na may kaugnayan sa agrikultura tulad ng agro-forestry, agricultural engineering, agribusiness, agri-technology, agri-entrepreneurship at fisheries. Idinagdag din ang information and computer technology, veterinary medicine, broadcast technician video graphic artistry ateducation.
Walang tiyak na trabaho sa bayang walang tunay na pambansang ekonomya
Pangangailangan sa labas ng bansa ang nasa isip ng gubyernong PNoy kaya mismatch ang tinukoy na problema. Pagpapakita itong trabahong overseas o kaugnay ng mga negosyong mula sa labas gaya ngbussiness process outsourcing (BPO) at mga call centers ang inaasahang lulutas sa problema ng lumolobong unemployment. Malaking bahagi rin ng target na empleyo ang pag-eksport ng higit na dumadaming manggagawang Pilipino (OFW).
Pero hindi naman sana dapat na iasa sa labas ang pagbibigay trabaho sa lumalaking pwersa ng paggawa ng ating bayan. Dapat nilulutas ito sa loob ng bayan lalo’t malaki ang potensyal kung ang titingnan ay ang kabuuang rekurso ng Pilipinas bilang tuntungan ng pagpapaunlad.
Ang problema, walang plano ang gubyerno na itindig na isang tunay na pambansang ekonomya. Umaayon lamang ang mga programa nito sa ekonomya sa disenyong neoliberal. Pagbibigay luwag ito sa mga negosyong dayuhan na sa kalakhan ay portfolio investments ang ipinapasok sa bansa. Kaunting trabaho lamang ang nililikha, walang naisasaling teknolohiya at grabe kung humigop ng ganansya sa bansa.
Madalas na ibida ni PNoy ang malaking potensyal ng BPO. Walang katiyakan kung hanggang kailan ito sa Pilipinas. Mababa ang sahod kung ikukonsidera ang napakalaking health risk, at tulad ng maraming trabahong mapapasukan ngayon, kontraktwal ang empleyo rito. Nangangako din siya ng job creation sainfrastructure at tourism.
Walang matatag na programa ang gubyerno sa pagpapaunlad ng industriya na siyang maaasahang iempleyo ng maramihang lakas paggawa at siyang magsusustini sa agrikultura. ###