Mataas na Presyo nang Langis, At ang Panapal ng Gubyernong P'Noy
Sumirit ng sampung beses ang presyo ng petrolyo, sa loob lamang ng tatlong buwan. Umabot sa P5.85 dagdag presyo sa kada litro ng gasolina at P3.20 kada litro naman sa Krudo. Halos lalampasan na nito ang pinakamahal na presyo na inabot ng gasolina noong 2008 na nasa Php 60 kada litro. At syempre, ang kaakibat nito ay ang pagtaas ng presyo ng pangunahing pangangailangan at bilihin na di na kaya pang abutin ng mamamayan.
Hindi kayang ibsan nang sentimong pagbaba ang madalas namang pagtaas nito. Kahit pa ang panaka-naka at mailusyong rollback sa petrolyo ay halos di rin maramdaman ng mamamayan, kagyat din itong natatabunan ng mga panibagong pagtaas ng presyo. Ang simpleng mahikang pagbaba ng kakaunti gayung dumo-doble naman ang kasunod na pagtaas nito.
Habang naglilinis ito sa iniwang kalat ng dating rehimen, kailangan niyang tumugon mismo sa binitiwan nyang salita. Kung kaya’t para sa tumataas na presyo ng langis, ang marekisitos na Programang Pantawid Pasada ang solusyon nito.Gayunpaman, ang P1,200 na halagang inililimos ng gubyerno ay hindi sumasapat, kahit pa isang tuwid o deretsong daan ang tatahakin ng isang pampasaherong Jeep.
Kung tutuusi’y sa isang kargahan sa halagang nabanggit hindi nito ililitaw ang kitang hinahangad ng tsuper sa pamamasada na ang karamihan ay di sarili ang sasakyan. Liban pa nito,limatado lamang ang nakakatamasa sa programang ito. Malinaw na hindi ito ang magreresolba sa di marendahang presyo ng langis.
Downstream Oil Industry Deregulation Act o RA 8180
Ang madalas at walang kontrol na pagtaas ng presyo ng langis ay hindi isang tadhanang ibinigay nang kung sinuman.Ito ay hambalos ng patakarang kahit kailan ay walang kinalaman ang mamamayan ngunit sya ang pangunahing apektado nito. sa halip, mismong pamahalaan pa nito ang nagbuyangyang sa patakarang ang laging talo ay ang mamamayan, ang Deregulasyon.
Tinanggal nito ang restriksyon o kontrol sa ilang sektor ng ekonomiya sa bansa. Binatay ito sa baluktot na katwirang, uunlad ang ekonomiya kung mas kakaunti o di makikialam ang pamahalaan sa pribadong sektor.Inalis ang anumang uri ng proteksyon sa industriya ng langis sa bansa sa buong proseso na mula sa pag-aangkat hanggang sa pagbenta ng mga produkto ng petrolyo at krudo.
Pinaubaya ng Gubyerno ang pagtatakda ng presyo ng langis sa mga dayuhang korporasyong may kontrol sa industriya ng langis. Ipinatupad ang pagtatanggal sa subsidyo sa langis lalu na sa pangunahing ginagamit ng mamamayan gaya ng LPG,Diesel,Kerosene at Fuel Oil.
Inalis ang anumang karapatan sa pagpepitisyon at pampublikong konsultasyon sa mga desisyon ng mga kumpanya ng langis sa pagtataas. May kaguluhan man o wala sa Middle east, hindi ito ang pangunahin o ugat na dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis. Sapagkat sa huli ang mga korporasyon pa rin ang siyang nagtatakda.
Ang tangi na lamang pakialam nito ay pagtitiyak ng Genuine Fair Competition sa pagpapapasok ng mga bagong kumpanya ng langis sa bansa at pagseseguro ng lokal na suplay. Subalit, hindi naman ito totoong patas sa kumpetensya.
Sa katunayan nariyan ang malalaking kumpanya ng langis tulad ng Petron na 90.57 % nito ay pag-aari nang Ashmore Group (Britain); Shell Petroleum na pag-aari naman ng Royal Dutch Shell (UK at Netherlands), na pangalawa sa pinakamayamang kumpanya sa daigdig ayon sa Fortune Global 500 nuong 2011; nariyan din ang Chevron Philippines, na dating Caltex , ay subsidyaryo ng Chevron Corp. na pang-limang pinakamalaking kumpanya sa daigdig at pangalawang pinakamalaking kumpanya ng enerhiya sa daigdig ayon pa rin sa tala ng Forbes Magazine.
Dulot ng deregulasyon ng industriya ng langis, pumasok na din ang iba pang kumpanya ng langis sa bansa tulad ng Total (subsidiary ng Total S.A.), Sea Oil, Eastern Petroleum, PTT at Phoenix Petroleum.
Maging ang mga yaman ng langis sa bansa ay pinagsaluhan na ng mga dambuhalang kumpanya ng langis tulad ng Malampaya sa Palawan ( sosyo ng Shell at Chevron) at Galoc Oil Field sa Palawan (hawak ng Australian company na Otto Energy)
Malinaw lamang na walang patas na kumpetisyon sa pagitan ng mga dambuhalang kumpanya ng langis. Ang ganap na kontrol ng mga ito sa demand at suplay ng langis sa bansa. Mula dito ay naitatakda ang presyong kanilang naisin.
Paubos na ang reserbang langis nang imperyalistang US, papakitid ang muhon ng kuhanan nito.Kaya di kataka-takang mainit ang mata nito sa ating mga likas-yaman lalo na ang langis at natural gas lalo pa’t nasa gitna ito ngayon ng pinakamatinding krisis pang ekonomiya at pampulitika.
Mayamang Pilipinas, Nagdarahop na Mamamayan
Ayon sa Survey nito lamang marso,umabot na sa 4.8 milyong pamilya ang dumadanas ng gutom mula sa 4.5 milyong pamilyang nagugutom sa huling buwan nang taong 2011.
Habang ang yaman ng bansa ay matatagpuan sa mga bahagi ng West Cost Sea at South China Sea. Pinag-aagawan ang mga gas at oil blocks na matatagpuan sa Cagayan, Central Luzon, Northwest Palawan, Mindoro-Cuyo, East Palawan, Cotabato at sa Sulu Sea ng mga multinational players sa langis at gas gaya ng Total (French), Eni S.P.A. (Italy), CalEnergy (Amerikano), GDF Suez (France) atbp.
Sa pinakahuling tala nakapagluwas ng 702, 256 bariles ng langis ang kompanyang Service Contract 14C ng Galoc oil Field sa huling kwarto ng 2011, mula sa Pilipinas. Samantalang ang produksyon nito ng krudo ay umabot naman sa 317,972 bariles.
Malaki din ang bilang ng mga mamamayang walang trabaho at kung mayroon naman ay nakapako sa minimum wage o mas mababa pa ang sahod. Pasan-pasan niya ang tuloy tuloy na pagtaas ng bilihin at mga batayang serbisyo tulad ng kuryente at tubig.
Pagkakaisa laban sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis
Ipawalang-bisa ang Downstream Oil Industry Deregulation Act o RA 8180. Malinaw na hindi nagsisilbi para sa interes ng nakararaming mamamayan ang pag-iral ng deregulasyon sa bisa ng Downstream Oil Industry Deregulation Act o RA 8180. Kinakailangang ang gubyerno ay may kontrol sa rekurso at distribusyon ng mga produktong petrolyo sa ating bansa.
Isabansa ang industriya sa langis. Ang bansang Pilipinas ay para sa mga Pilipino dapat lamang na ang mga nakikinabang sa mga likas na yaman nito ay ang mamamayang Pilipino. Sa pagsasabansa ay kakayanin nating unimggpaw at kumaawala sa pampulitika at pang-ekonomiyang kontrol ng mga dayuhang kapitalista sa ating bansa.
Magkaisa at labanan. Masakit sa bulsa at mahapdi sa sikmura ang bawat pagtaas ng presyo ng langis. Samantalang “kendi” lamang ang programang pantawid pasada ng ating gubyerno at malinaw na iskema lamang ito upang pahupain ang ating galit.
Tayo na at balikan ang ating kasaysayan! Walang tanikala ng bayan na di kayang mapatid sa espiritu ng ‘makauring pagkakaisa’ at sama-samang pagkilos. Kumilos na tayo, simulan natin ngayon!
###