Isinagawa nung Abril 19 hanggang 21 sa Little Villa Resort sa San Antonio, Zambales ang isang Summer Youth Camp bilang bahagi ng mga gawain ng Friends of Hanjin Workers, isang support group na binubuo sa kalakhan ng mga mag-aaral at kabataan mula sa iba’t-ibang kolehiyo at unibersidad na ang pangunahing layon ay ang maipabatid sa madla ang kinakaharap na mga isyu ng mga manggagawa mula sa Hanjin Heavy Industries and Construction Philippines (HHIC-P) sa shipyard nito sa Subic, Zambales. Ang naturang youth camp ay dinaluhan ng mga indibidwal na mag-aaral at lider-estudyante mula sa mga kolehiyo, paaralan at unibersidad sa Metro Manila. Katuwang ng Friends of Hanjin Workers ang Teacher Center of the Philippines upang maging posible ang Summer Youth Camp.
Layunin ng SYC na ipormalisa ang makinarya at kaisahan ng Friends of Hanjin Workers at para mas mapalalim pa ng husto ang pagkakaunawa ukol sa isyu ng mga manggagagawa ng Hanjin at karapatan sa paggawa, gayundin ang mga aspetong panlipunan na sanhi ng mga ganitong suliranin.
Si Renante Buccat ng SAMAHAN ang nagtalakay ukol sa kung ano ang Hanjin, at mga pangyayaring naganap sa loob ng Hanjin Shipyard mula pa noong magsimula ang operasyon nito.
Nagtalakay naman sina Dr. Amable “Ka Abe” Tuibeo ng Teacher Center of the Philippines (TCP), Atty. Virgie Suarez ng KAISA-KA at LAWS, at si Pete Pinlac ng Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (KPD), Manggagawa para sa Kalayaan ng Bayan (MAKABAYAN) at Manggagawa sa Komunikasyon ng Pilipinas (MKP) ukol sa tungkulin ng sektor ng kabataan para sa panlipunang pagbabago, karapatan ng mga manggagawa sa trabaho at ang ebolusyong pangkasaysayan ng lipunan at ng manggagawa.
Sa huling araw ng youth camp ay nagkaroon ng paglibot kasama ang ilang manggagawa ng Hanjin sa lugar na malapit sa mismong shipyard. Nagkaroon ng tensyon nang sitahin ng Hanjin Security Police ang mga campers, at magkaroon ng diskusyon sa pagitan mga lider ng Friends of Hanjin Workers at ng Head of Security ng Hanjin na isang Koreano, subalit mapayapa rin namang nakaalis ang mga campers sa lugar.
Ang Youth for Nationalism and Democracy (YND) ay bahagi ng Friends of Hanjin Workers.
###