Mula basic education hanggang sa kolehiyo, itinuturo sa mga mag-aaral na ang gulugod ng ekonomiya ng bansa ay ang mga manggagawa. Ang dahilan ng patuloy na akumulasyon ng kapital ay dahil sa dugo at pawis ng lakas-paggawa sa produksyon. Kung wala ito, mananatiling walang halaga ang pera at kapital ng mamumuhunan.
Marapat lamang na bigyan ng pagpapahalaga at dignidad ang mga manggagawa. Naaayon lamang na maibalik sa kanila, bilang may malaking ambag sa pag-unlad ng bansa, ang benepisyo sa pamamagitan ng mga batayang serbisyo tulad ng edukasyon, serbisyong pangkalusugan, pabahay, at iba pang pangunahing pangangailangan.
Subalit hindi ito nasusunod sa mahabang panahon nang itinakbo ng kasaysayan. Hindi nakabubuhay ng makatao ang 456php na minimum na suweldo sa NCR (National Capital Region) sa kinakailangang 1,200php na daily cost of living ng average na bilang ng miyembro ng pamilya sa kasalukuyan.
Ang pagpapabaya sa pagkamatay ng may higit 30 manggagawa ng Hanjin Shipyard sa Subic, Zambales at hindi pagsunod ng kumpanya sa Occupational Health and Safety Standard; malawakang tanggalan ng trabaho sa Philippine Airlines, Advan, Dusit Thani Hotel, Selecta, Goldilocks, at iba pa – na mekanismo para palitan ang mga manggagawang regular ng mga kontraktwal sa paggarantiya ng higit na kita ng kapitalista: ay patunay lamang ng pagtalikod ng estado sa kanyang mamamayan sa pagsunod nito ng mga patakarang neo-liberal.
Pinakahuli ang lantarang hindi pagsunod ng PLDT (Philippine Long Distance Telecommunications) sa desisyon ng DOLE (Department of Labor and Employment) at ng mismong Korte Suprema na dapat ay ibalik ang mga manggagawa ng DIGITEL sa trabaho at simulan ang Collective Bargaining Agreement (CBA). Pinagpipilitan ng PLDT sa pamumuno ni Manny Pangilinan na sa pagbili nito ng major shares ng Suncellular ay hindi kasama dito ang mga manggagawa. Kung gayon ay may prerogative siyang mag-hire ng mga bagong manggagawa sa anyo ng kontraktwalisasyon.
Sinunod ng DEU (Digitel Employees Union) ang proseso ng batas. At sa 25 kaso laban sa higanteng kumpanyang PLDT, lahat ito ay napanalunan ng mga manggagawa. Subalit tila mas matimbang ang salapi at impluwensya ng kuntsabahang John Gokongwei at Manny Pangilinan kaysa sa anupamang batas at kautusan ng ating hukuman.

Ang Kabataan Bilang Reserbang Hukbo ng Paggawa
Kung ganito ang sitwasyon ng manggagawa sa kasalukuyan, tila madilim ang kinabukasan ng mga kabataang susunod na Lakas-paggawa ng bayan. Malaking bilang ng mga mag-aaral sa kolehiyo ay napipilitang mag-part time job para masustini ang pag-aaral dahil sa paglobo ng mga bayarin at matrikula. Humaba naman sa anim hanggang isang taon ang internship o OJT (On-the-Job Training) ng mga estudyante na sa esensya ay gumagawa na ng aktwal na trabaho sa mga empresa at pagawaan nang walang kumpensasyon. Kung noon ay may allowance na katumbas ng 75% ng minimum wage ang mga estudyantengintern, ngayon ay sila pa ang nagbabayad sa mga kumpanya sa pagpasok nila.
Kawalan ng kontrol at regulasyon ng gobyerno sa mga nag-ninegosyo ng edukasyon naman ang dahilan ng job mismatch o hindi angkop na kurso sa kahingian ng merkado. Sila ang mga nagtapos ng mga kursong tulad ngnursing, caregiver, physical therapy na naapektuhan ng krisis pang-ekonomiya sa Europa, Asya at Amerika. Ito ay dahil nananatiling naka-tugon ang edukasyon at lakas-paggawa ng bansa sa pangangailangan ng dayuhang merkado habang walang seryosong programa ng pagtitiyak ng nakasasapat sa sariling pag-unlad ng agrikultura at industriyalisasyon sa sarili nating bansa.
Karaniwang panandalian lamang o mga portfolio investments at BPO (Business Process Outsource) ang nakukuhang trabaho ng mga bagong nagsisipagtapos ng pag-aaral na dumadagdag sa kabuuang 62.84M lakas-paggawa ng bansa.
Madilim ang kinabukasan ng kabataan kung pikit mata tayo sa pagtanggap at pagsasawalang bahala sa kasalukuyang manipestasyon ng neoliberalismo sa ating buhay at pamumuhay.
Hinihingi ng pagkakataon ang pagkakaisa ng mamamayan. Hinihingi ng pagkakataon ang pamumuno ng pinaka-progresibong uri ng lipunan- ang uring manggagawa.
Ang sektor ng kabataan sa ilalim ng Youth for Nationalism and Democracy (YND) ay kaisa ng mga manggagawang Pilipino sa panawagang wakasan ang mga programa at polisiyang iwinawasiwas ng neo-liberalismo sa mamamayan.
Kasabay ng pagpapatibay na sa pangunguna ng uring manggagawa na pinaka-abanteng uri sa lipunan, walang labanan tayong hindi mapagtatagumpayan. Hindi malayong sa hinaharap, matatamasa din natin ang isang lipunang may kasaganaan para sa lahat, walang pang-aapi, walang nagugutom, at may pagkakapantay-pantay.
Taas kamaong pagpupugay sa hukbong mapagpalaya ng daigidig- Uring Manggagawa!
Produktibo at Marangal na trabaho, Hindi Kontraktwal!
Isulong ang Pambansang Industriyalisasyon!
Polisiya’t patakaran ng neo-liberalismo, Labanan!
YOUTH FOR NATIONALISM AND DEMOCRACY (YND)
Mayo 1, 2013