Ayon kay Ginoong Jose P. Rizal isa sa ating mga tanyag na bayaning Pilipino “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda”.
Subalit sa yugtong ito ng kasaysayang Pilipino hindi na lamang wika ngunit pati kultura, kaugalian at pinagmulan ng mamamayang Pilipino ang kailangang muli’t muling balikan at sariwain ng mga kabataang Pilipino at angkining kanya upang lubos na mahalin at ipaglaban.
Blue contact lenses habang kayumangging kaligatan ang balat, pilik mata ni Barbie, mohawk na buhok habang ang kulay ay orange, hanging shirt na labas ang pusod kahit giniginaw dahil maulan, naka high heeled boots kahit mainit dahil tropical country at ang bag HERMES pero tatlo isandaan mula sa Divisoria. Ma-in lang sa fashion trend lahat na ay gagawin ni Maria at Juan ‘wag lang masabing “ewwsss at kalurky, ang lola at lolo mo from the boons (bondocs)”.
Nakasakay sa dyip pero booming ang kantang “Hey I just met you this is crazy But Here’s my Number call me maybe…” sa kanyang earphone at habang panay ang dutdot ng bbm para mag tweet hinggil kay Anne Curtis na na-missing sa Hollywood.
Heto ang pamatay, Maubos man ang sweldo o allowance sa pamimili ng pampaputing sabon o gagastahin sa pagpapatangos ng ilong okay lang; Sigawan man ng customer over the phone carry bells kasi call center at English speaking ini, you know! If you dislike the Philippines go abroad! bakit pa magpapakajerap dito kung sa States katulong ka man bongga naman ang kita, dolyar!
Ika nga, the old will die and the young ones will forget.
Sa maskara ng pagsabay sa uso, indibidwalismo, maling persepsyon ng demokrasya at paghanga sa husay ng mga produkto at mga luho ng mga banyaga. Halos malimot na ng maraming Pilipino ang kanilang sarili, pikit matang tinatanggap ang mga makadayuhang kultura, pandarambong sa yaman ng bansa at makaisang panig na mga polisiya sa ekonomiya, pulitika at iba pang aspeto ng mga usaping pambansa.
Unti-unti nasisira at nalilimot ng bagong henerasyon ang kanyang Pagka-Pilipino at Pagka-makabayan. Kaalinsabay ng malaganap na propaganda ng imperyalismo ay ang cultural aggression upang madulas na maipatupad at maipatanggap sa karamihan laluna sa mga intelektwal ang mga neo-liberal na polisiya ng globalisasyon.
Kung ang kultura ay ang kaluluwa ng isang bansa na sumasalamin sa lipunang kanyang iniiralan, isang malaking hamon para sa kabataan laluna sa mga progresibong organisasyon ng mga kabataan na walang pagod, buong husay at maging malikhain sa pagmumulat at pagpapakilos sa mga kabataan. Sa pamamagitan nito ay epektibong maitataguyod ng mga kabataan ang kanyang interes bilang mamamayan at ipagtanggol ang kanyang bansa laban sa mga mapanira at mapanlinlang na maniobra ng dayuhan.
Bagaman umiiral tayo sa magkaibang kalagayan, kami bilang mamamayan sa neo-kolonyal at semi-feudalna lipunang Pilipino at kayo bilang mga henerasyon ng mga Pilipinong bahagi ng labor export policy ng bansa at ngayo’y backbone ng ekonomiya ng Canada. Kapwa natin dinadanas ang sapin-saping pang-aapi at pananamantala sa ilalim ng pag-iral ng imperyalismo. Kung gayon, nagkakaisa tayo sa layuning mapawi ang lahat ng porma ng pananamantala at pang-aapi upang maging ganap at tunay na malaya.
Isang hakbang na ng pagsulong ang makasaysayang gabing ito nang sining, tula, dula, musika at iba pang mga pangkulturang pagtatanghal. Magpatuloy tayo sa pagharap sa mga hamon ng ating panahon!
Mabuhay ang mga Kabataang Pilipino sa Canada at sa buong mundo!
Sama-sama nating ipagtagumpay ang ating mga adhikain!
Mensahe ng Pakikiisa sa mga myembro ng Ugnayan ng mga Kabataang Pilipino sa Canada (UKPC) mula sa:
Youth for Nationalism and Democracy (YND) at Teatrong Bayan (People’s Theatre)
Ika-26 ng Hulyo 2012