“Ang puhunan o kapital ay patay na paggawa. Tulad ng bampira, nabubuhay ito sa pamamagitan ng pagpiga ng lakas-paggawa ng manggagawa: nabubuhay sa patuloy at papatinding pagpiga dito.”
Ang Mayo Uno o Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa ay araw din upang pag-aralan ang kalagayan ng mundo at ang mga pakikibaka ng mamamayan laban sa mga pwersang naghahari.
1886 ng masunog ang mga pabrika ng damit sa Illinois, USA. Sampung libong manggagawa ang nagmartsa tungong Haymarket Square. Naging international labor standards ang makataong kondisyon sa paggawa, nakabubuhay na sahod, walong oras na paggawa, ipinagbawal ang pagtatrabaho ng babae at mga bata. Kapalit nito ay binitay ang apat na lider-manggagawa, kulang sampu ang namatay sa pagsabog sa piket at daan-daan ang iniwang sugatan.
Mula rito sisiklab ang mga paglaban at pakikibaka ng iba pang manggagawang may katulad na kalagayan hanggang sa lumaya ang mga bansang tulad ng Russia, China, Cuba at Vietnam mula sa kontrol ng mga kapitalistang bansa. Di iilan ang nagbuwis ng buhay upang makamit ito.
Isandaan at dalawamput pitong taon na ang nakalilipas, unti-unting nabawi at binabawi pa ng mga monopolyo kapitalista ang mga tagumpay ng mga manggagawa tulad ng walong oras na paggawa, karapatang magtayo ng unyon at sama-samang pakikipagtawaran.
Sa ilalim ng patakarang neo-liberal ang lohika ng capital ay maging Malaya, hindi nasasagkaan at mabilis na makapagkamal ng tubo sa bawat produkto o serbisyong nagmula dito. Sa utak ng kapitalista ang paggawa o labor ay kapital din, kung kaya’t kailangan din maging Malaya at walang sagka ang paggamit ng paggawa.
Pinatindi ang pagpapatupad ng mga patakarang neo-liberal. Noong 2008, sumabog ang Global Financial Crisis sa Amerika at Europa. Hindi ito naampat ng mga bail-outs at austerity measures o mga budget cut sa mga serbisyong panlipunan. May sampung libong nawalan ng trabaho ang nagpakamatay, 1 milyong ang nakaranas ng psychological depression, tumaas ng 200 porsiyento ang pagkalat ng AIDS virus at drug abuse gawa ng 50 porsiyento ng kabataan ay walang empleyo.
Sa Pilipinas, mabilis na tumatalima ang mga nagpalit-palit na rehimen sa patakarang neo-liberal. Nanatiling walang industriya, lumiit at papawala ang agrikultura, buo-buo at halos ganap na naisapribado ang mga pampublikong serbisyo tulad ng edukasyon at kalusugan. Kalakhan ng ating mga katubigan at lupain ay pag-aari ng mga dambuhalang dayuhang negosyo.
Kung kaya, tuloy- tuloy na nahuhubaran ng karapatan ang mga manggagawa at mamamayang Pilipino.
Ayon sa tantos anim na taon ng nabubuhay sa papatinding kahirapan ang kulang 28 Milyong mamamayang anakpawis. 62,842 Milyon ang pwersa sa paggawa o labor force ng Pilipinas pero 3 milyon dito ay walang trabaho, 7 Milyon ang underemployed at 22 Milyong lakas paggawa na di-bayad o unpaid labor ang di isinasama ng gubyerno sa tantos.
“Endangered Species” na ang mga manggagawang regular. 80% ng mga manggagawa ay kontraktwal (walang benepisyo at maliit ang sahod) habang ang mga regular kundi tatanggalin ay ire-rehire bilang kontraktwal na manggagawa tulad ng sa Digitel workers. Maging mga guro ay kontraktwal na din. Ang masaklap pa rito ang mga estudyante na required na makapag ojt sa halip na bigyan ng allowance ng kompanya sapagkat nagtatrabaho din silang tulad ng isang regular na manggagawa ay siya pang pinagbabayad kapalit ng grado sa eskwela. Pagkagradweyt nila call center o contractual na trabaho din ang bagsak at kapag minalas pa isang taon o higit pa silang naka-tengga dahil walang trabahong mapasukan.
Sadlak sa gutom at kahirapan ang mga manggagawa at iba pang anakpawis. Kulang 8 milyon ang OFW, halos isang milyon naman ang “nagsasariling sikap” o para-paraan ang hanapbuhay na karamihan ay vendor o mala-manggagawa. Patuloy ang pagtaas ng standard of living; bawat pamilya ay kailangang kumita ng Php 1, 200 bawat araw at 5,458 naman ang kailangang kitain ng mga nakakaranas ng extreme poverty para mabuhay ng marangal sa loob ng isang buwan. Kalakhan sa mga manggagawa at mala-manggagawa ay nakatira sa mga eskwaters erya.
Habang ang mga malalaking burgesya at asyendero tulad nina Gokongwei, Pangilinan, Cojuangco, Lucio Tan, Henry Sy, George Ty at Zobel de Ayala na kundi kasosyo ng mga dayuhang monopolyo kapitalista ay may hawak ng malalaking negosyo sa bansa at nabubuhay ng mariwasa mula sa lakas paggawa ng mga manggagawa.
Pinatunayan nang kasaysayan na hanggat may nananamantala at pinagsasamantalahan patuloy ang kontradiksyon at magbubunsod ito ng mga pakikibaka. Magkatunggali ang interes ng manggagawa at kapitalista. Ang isa ay tubo at pagkamal pa ng tubo kung kaya’t hindi nito kusang kikilalanin at ibibigay ang mga batayang karapatan ng manggagawa. At sa yugtong ito Produktibo at Marangal na trabaho, Hindi Kontraktwal ang kailangan natin at ng ating mga anak.
Tanging ang sama-sama, mulat at malikhaing pagkilos ng mga manggagawa, mala-manggagawa, may trabaho o wala, regular o kontraktwal ang susi upang itaguyod ang pagkilala sa ating mga karapatan at panawagan.
Panahon na upang tapusin na ang pagiging dungo, sunod-sunuran at pagpapa-alipin sa sahod.
Isulong natin ang mga alternatibang para sa mamamayan tulad ng industriyalisasyon at tunay na repormang agraryo.
Gawin nating inspirasyon ang mga pakikibaka ng ating mga ninununo. Manindigan tayo at makibaka para sa ating mga anak at para sa ating salinlahi.
Manggagawa at uring anakpawis magbalikwas ka at baklasin ang mga kadena ng iyong pagkaalipin!
Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!###
YOUTH FOR NATIONALISM AND DEMOCRACY (YND)
Labor Day 2013