Sa temang “Women Weathering Climate Change: Governance and Accountability, Everyone’s Responsibility”, ay tagumpay na isinagawa ang pambukas na programa bilang pagdiriwang ng National Womens’ Month na ginanap sa PNU quadrangle kahapon, Marso 5.
Ang programa ay dinaluhan ng mga Social Science at History majors at ng mga mag-aaral ng Women’s Studies specialization.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang pep rally na umikot sa buong PNU campus. Binuksan rin ang photo exhibit sa ikalawang palapag ng PNU Geronima Pecson Hall, Ayala Wing. Inihayag ni Rose Ann Inguito, pangulo ng Kabataang Urduja (KU) ang promal na pagbubukas ng programa.
Nagtanghal ng kani-kanilang mga presentasyon ang mga mag-aaral ng Womens’ Studies gayundin ang mga Social Science majors mula sa ikaapat na taon. Matapos nito ay nagbigay ng mga pambungad na pananalita sina Dr. Zenaida Reyes, Dekana ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan at Dr. Nerissa Tantengco, Puno ng Kagawaran ng Agham Panlipunan.
Nagbigay naman ng kanilang mga pahayag ng pakikiisa ang mga kinatawan ng iba’t-ibang organisasyon at pangkat. Si Grace Ferrer ang nagbahagi ng pahayag mula sa Youth for Nationalism and Democracy (YND).
Nagkaroon din ng simbolikong pagpapalipad ng mga flying lanterns na pinangunahan nina Dr. Reyes at Dr. Tantengco.
Kasama ng Kabataang Urduja at ng Batch 2012 ng mga mag-aaral ng Women’s Studies ay isa ang YND sa mga nagtaguyod upang maging posible ang pagsasagawa ng naturang programa at sa suporta na rin ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan at ng Kagawaran ng Agham Panlipunan.
###