Nakatakdang ganapin sa araw na ito ang taunang halalan para sa mga posisyon sa Sangay Ehekutibo ng Pamahalaang Mag-aaral (Student Government) ng Pamantasang Normal ng Pilipinas.
Matapos ang mahigit isang linggong kampanya ng dalawang magkatunggaling partido ay malalaman na sa pagtatapos ng bilangan ng boto kung sinu-sino ang mga ihahalal ng mga Iskolar ng Bayan upang magtaguyod ng kanilang mga kagalingan, interes at mga demokratikong karapatan.
Ang dalawang partido na maghaharap ay ang Students’ Union and Leadership Onwards (SULO) na pinangungunahan ni Aunell Ross “AR” Angcos mula sa UNESCO-PNU at ang Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in PNU (STAND PNU) sa pangunguna naman ni Michael Angelo Esposo na siyang incumbent Finance and Logistics Officer ng SG.
Panahon pa lamang ng kampanya ay matindi na ang banggaan ng mga partido, na lalo pang pina-init ng paglitaw ng mga Facebook account na tumuligsa’t nanlibak sa mga kandidato ng magkabilang panig.
Nanawagan naman ang Youth for Nationalism and Democracy (YND) na maging mapanuri sa pagpili ng mga susunod na lider na magtataguyod sa mga karapatan at kagalingan ng bawat PNUan, at magmumulat sa bawat mag-aaral ukol sa kalagayan ng lipunan tungo sa panlipunang pagbabago.
Bagaman walang iniendorso o sinuportahang kandidato, ayon sa YND ay handa itong makipagtulungan sa kung sinuman ang susunod na mauupo para sa mga proyekto’t kampanya para sa interes ng mag-aaral at sambayanan. Gayundin naman ay hindi rin ito mangingiming bigyan ng konstruktibong puna ang SG kung ito ay lumilihis sa kanyang dapat na mandato.
Magsisimula ang botohan sa ganap na 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon. Ang mga polling precincts ay matatagpuan sa harapan ng Maceda Building.
###