Kabataang lumalaban, mapagmahal sa bayan
Nakikibaka sa bawat isyung panlipunan
Taas kamaong nagmamartsa sa parlyamento ng lansangan
Suot ang pudpod na tsinelas at kupas na sarong na sa init ay panlaban
Kabataan, iba’t iba ang pinanggalingan
Uring magsasaka, maggagawa, burges at maralita
Bukas na natanaw ang dinaranas ng masa; haplit, hirap at dalita
Sa sangandaan ay nagtagpo, tinalikuran ang dating gawi
At inalay ang sarili sa masa
Ganti ng sistema sa inyong tinaguriang aktibista;
Binansagang raliyista, maingay, magulo
Hanap ay basag-ulo
Hindi na nga naliligo, niromansa ang paglaban sa imperyalismo
Kabataan, tanging hangad ay kalayaan
Ng bayang nasa lusak ng kahirapan
Balik sa iyo ay hagupit.
Itinanikala ka’t; ang iyong bukas ay pinagkait
Sa malamig na karsel ika’y ipiniit
Pilit na binusalan ang iyong bibig sa pag-ingal ng mga makabayang panambitan
Sipa, suntok, tadyak, dusta ang ikinintal
Sa iyo ng mga berdugong kaaway
Subalit ang iyong tinig ay lagi nang maririnig
Naka-ukit, bumubukal sa mga bagong binhing nakatindig
Hindi ang piitan ang magtatapos sa adhikain
‘pagkat kabataan kang Malaya ang puso at isip
Kabataan kang –
Y – UMAYABONG TULAD NG PUNO SA KASUKALAN
N – A SA PANG-AAPI’Y
D – I MANANAHIMIK SA GITNA NG DILIM!
***
Alay kay kasamang Archie Bathan ng YND-Bataan, na hanggang sa kasalukuyan ay nakakulong dahil lamang sa kanyang pagtindig laban sa plantang nukleyar.